May iba't ibang sekta ang di tunay Satanismo. Ang Ministeryo ng Kagalakan ni Satanas ay isang Espirituwal na Satanismo.
Ang Satanismo ay hindi isang "imbensyon ng Kristiyanismo."
Mas nauna ang Satanismo kaysa Kristiyanismo at sa lahat ng iba pang mga relihiyon.
Ang Satanismo ay hindi tungkol sa mga multo, duwende, bampira, mga halimaw ng Halloween o iba pang mga may kaugnayan dito.
Ang Satanismo ay hindi tungkol sa "kasamaan."
Ang Satanismo ay hindi isang "reaksyon sa Kristiyanismo."
Ang Satanismo ay hindi tungkol sa kamatayan.
Ang tunay na Satanismo ay tungkol sa pag-angat at pagpapalakas sa sangkatauhan, na siyang tunay na layunin ng ating Tunay na Lumikha (Si Satanas).
Kilala namin si Satanas/Lucifer bilang isang tunay na nilalang.
Kilala namin si Satanas bilang Tunay na Ama at Lumikhang Diyos ng sangkatauhan.
Sumusunod kami sa batas.
Alam namin na ang "Yaweh/Jehova" ng bibliya ay isang kathang-isip na nilalang, at ang mga tao sa likod ng pagsusulong ng kasinungalingang ito ay ang tunay na mga manlilinlang ng sangkatauhan at ang mga dalubhasa sa kasinungalingan. Ito ay malinaw sa maraming mga salungatan sa loob ng bibliya ng Judeo/Kristiyano, na nagpapahayag na ang tekstong ito ay gawa ng mga tao na may kaalaman sa okultismo at nagdagdag ng kapangyarihan upang gawing kapani-paniwala, at upang maghasik ng takot para makontrol ang iba.
HINDI KAMI nagtataguyod o sumasang-ayon sa anumang ritwal ng pag-aalay ng dugo o buhay. Ang gawain na ito ay mula sa Hudyo/Kristiyano, tulad ng nakasaad sa kanilang Biblia.
Deuteronomio 12:27:
-
""At iyong ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, ang laman at ang dugo, sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Diyos: at ang dugo ng iyong mga hain ay ibubuhos sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Diyos; at iyong kakainin ang laman."
Natuklasan namin na ang Satanismo ay ang orihinal na relihiyon ng sangkatauhan. Ginawa namin ang aming pananaliksik. Ang Satanismo ay batay sa mga sinaunang relihiyon na nauna pa sa Judaismo at Kristiyanismo ng daan-daang hanggang libo-libong taon.
Ang Kristiyanismo ay isang reaksyon sa orihinal na mga relihiyon ng Paganismo, na tinatawag na "Satanismo" na nangangahulugang "kaaway/kalaban" sa Hebreo. Kung babasahin mo ang impormasyon na nakapaloob sa website na ito, pinatutunayan namin ito.
Ang Kristiyanismo ay inimbento upang alisin ang espirituwal at okultong kaalaman (ang kapangyarihan ng isip) mula sa mamamayan at ilagay ang kapangyarihang ito sa kamay ng iilang "napili" sa ikapipinsala ng buong sangkatauhan. Ang mga kapangyarihan ng isip at kaluluwa ay lubos na totoo. Ang mga taong walang kamalayan o hindi naniniwala sa mga kapangyarihang ito ay madaling kontrolin at manipulahin ng mga bihasang gumagamit ng mga enerhiyang ito..
Ang mga Orihinal na Diyos [Demonyo] ay hindi makatarungan na tinukoy bilang mga halimaw at itinuturing na "masama" upang pigilin ang sangkatauhan mula sa espiritwal na kaalaman. Dahil dito, lubos na naglaho ang pag-unlad ng sangkatauhan sa aspeto ng espiritwalidad at intelehensiya.
Ang Espiritwal na Satanismo ay malugod na itinutulak ang lahat ng pag-aaral, kaalaman, pagsisiyasat, at malayang pag-iisip.
Ang Espiritwal na Satanismo ay sumusuporta sa paghihiwalay ng simbahan at estado. Hindi pinipilit ng mga Satanista ang Satanismo o pinuproselitismo ito.
Kinikilala ng mga Espiritwal na Satanista ang agham at naniniwala na may rasyonal at siyentipikong paliwanag ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa okulto/supernatural. Naniniwala kami na ang sangkatauhan ay malubos na napigilan sa larangang ito dahil sa panlilinlang ng Judaismo/Kristiyanismo at sa walang humpay nitong pag-atake sa agham sa loob ng maraming siglo.
Nagsasagawa kami ng makapangyarihang meditasyon upang umunlad sa espiritwal at i-angat ang aming sarili. Mahalaga ang makapangyarihang meditasyon para sa kaluluwa ng tao tulad ng pagkain para sa katawan ng tao. Ang ahas, na simbolo ni Satanas ay kumakatawan sa maapoy na kundalini na nakagulong sa ibaba ng gulugod, na kapag ito ay umakyat, binabago nito ang isip at kaluluwa ng tao sa mas mataas na antas ng pang-unawa at kakayahan. Ito ang tunay na kahulugan ng "Pag-angat ng Diyablo." Ang simbolong Ahas ni Satanas ay kumakatawan din sa helix ng DNA ng buhay.
Nagtatrabaho kami nang direkta kay Satanas. Naniniwala kami na bawat tao na may kagustuhan at magalang ay maaaring magkaroon ng personal na relasyon kay Satanas. Walang mga tagapamagitan sa Espiritwal na Satanismo; ang Ministeryo ay narito lamang para sa gabay at suporta.
Kinukuha namin ang aming mga doktrina at mga gawain direkta mula kay Satanas. Sa sobrang tagal na panahon, ang mga kaaway ni Satanas tulad ng mga simbahan ng Kristiyanismo ay malayang nagpapalaganap ng mga kasinungalingan tungkol kay Satanas at Satanismo. Ang mga kasinungalingan na ito ay naging pundasyon ng mga krimen sa okulto at iba pang kasuklam-suklam na mga gawa na hindi direktang sinusulong nila. Ang Tunay na Satanismo ay aktibo at maigting na pinipigilan sa loob ng daan-daang taon at marami sa kawalan ng kaalaman ay naniniwala sa mga kasinungalingan tungkol kay Satanas at reaksyon nang naaayon.
Ang Espiritwal na Satanismo ay isang relihiyong mapagmahal sa buhay. Tinatanggap tayo ni Satanas kung ano tayo, ngunit ginagabayan tayo na mapaunlad ang ating sarili hanggang sa kung saan tayo ay umuunlad sa mas mataas na antas. Ang mga Espiritwal na Satanista ay malayang mamuhay ayon sa kanilang nais - responsibilidad para sa responsable. Nabubuhay kami ayon sa batas ng kalikasan at hinihikayat ang lahat na paunlarin ang kanilang sarili sa abot ng kanilang makakaya.
Alam namin na kami ang "nagliligtas" ng aming mga kaluluwa, hindi tulad ng mga pag-aangkin na nagliligtas ang Nazareno ng kahit sino. Ang Satanismo ay nakabatay sa tunay na transpormasyon ng kaluluwa sa pamamagitan ng makapangyarihang meditasyon. Ang Nazareno ay isang kathang isip na nilalang, na ang kanyang pagkakakilanlan ay ninakaw mula sa ilang 18+ na Diyos ng Pagan na ipinako sa krus, tulad ni Odin, na nakabitin sa isang puno at wala nang iba kundi isang kasangkapan upang panatilihin ang sangkatauhan sa ilalim ng iilang napili. Ang Nazareno ay ginagamit sa mga misa at serbisyo ng Kristiyanismo bilang kapalit ng isang buhay na sakripisyong dugo ng tao, na nagbubunyag ng kanilang tunay na layunin.
Ang relihiyon ng Judeo/Kristiyano ay isang malupit na panlilinlang sa sangkatauhan na may napakalawak na epekto. Para magtagumpay ang isang panlilinlang, kinakailangan ang kakulangan ng kaalaman sa bahagi ng biktima. Ang relihiyong Kristiyanismo at ang mga kasamahan nito ay aktibong pinipigilan ang kaalaman at malayang pag-iisip, hinihikayat ang mga tao na maging alipin, at hindi kailanman nagtaguyod o nagturo ng anumang bagay para sa ikabubuti o pag-unlad ng sangkatauhan. Sa kabaligtaran ng mga kwento kung paano pinagaling ng Nazareno ang mga tao; ipinapakita sa atin ni Satanas kung paano natin mapapagaling ang ating sarili at maisagawa ang tinatawag na mga himala, gamit ang ating isipan at ang mga kapangyarihan ng ating sariling mga kaluluwa.
Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa ating sarili, nakakamit natin ang kumpiyansa, respeto sa sarili at espiritwal na pag-unlad at kalayaan.
Ang Espiritwal na Satanismo ay walang limitasyon sa pagpapaunlad ng mga kapangyarihan ng isipan - na kilala bilang "pangkukulam" o "mahika." Naniniwala kami sa katarungan at tulad ng mga martial artists na bihasa sa mga gamit ng Dim Mak at iba pang aspeto ng pisikal na labanan, bihasa ang mga Espiritwal na Satanista sa Itim na Sining ng "mahika" kung kailanman nila ito kakailanganin. Ang mga taong walang kamalayan sa mga kapangyarihang ito ay walang kalaban-laban sa mga ito, at alam na alam ito ng mga nasa kapangyarihan. Hindi kunikusinti ni Satanas ang kawalan ng katarungan.
Ang Espiritwal na Satanismo ay hindi sa anumang paraan nagbibigay-katwiran sa pang-aabuso sa espiritu tulad ng itinuturo sa mga klasikong grimoire. Ang mga Demonyo na dati ay nakagapos at pinilit na sundin ang utos ng mga mangkukulam ay malaya na ngayon at ang sinumang gumagamit ng mga pamamaraan ng siyam-na-talampakang bilog at mga pangalan na "Jehova" ay humihikayat ng personal na kapahamakan. Ang mga Demonyo ay ating mga kaibigan at may respeto at paggalang sa pagtawag sa kanila sa pamamagitan ni Satanas, hangad nating magtatag ng relasyong kapaki-pakinabang para sa magkabilang panig.
Ipinaglaglalaban ng Espiritwal na Satanismo ang indibidwalidad, kalayaan, at kasarinlan.
-
Malinaw na hindi si Satanas ang "manlilinlang ng sangkatauhan." Kaunti lamang ang kanyang mga tagasunod at hindi niya kailangan ng malalaking halaga ng yaman, kapangyarihan, o kontrol para mapanatili ang kanyang mga tagasunod.